Pages

Showing posts with label Litratong Pinoy. Show all posts
Showing posts with label Litratong Pinoy. Show all posts

Thursday, September 10, 2009

LP 74: Lansangan



Magandang araw ng Huwebes! Matagal-tagal na rin akong hindi nakalahok sa LP gayunpaman, nais kong manatiling miyembro nito kahit paminsan na lamang akong lumahok.

Lansangan ang tema sa linggong ito. Ito ang ilan sa mga lansangan sa Hong Kong, na sa totoo lang, pangarap kong makita sa ting bansa...








Thursday, July 02, 2009

LP #64: Kandado



Ipagpaumanhin po ang aking di pagsali ng mahigit isang buwan sa LP...pasensiya na po at marami lamang pong mga bagay na napagtuunan ng higit na pansin :)

Sa unang huwebes ng buwan ng Hulyo..ito po ang aking lahok



Ito ang kandado na ginagamit namin para sa ming bahay. Tunay nga na ang munting bagay na ito ay nakakapag bigay sa atin ng seguridad sa tuwing tayo ay aalis at iiwan ang mahahalagang bagay sa loob ng ating bagay.

Thursday, May 07, 2009

LP 56: Simula Pa Lamang



Halos dalawang linggo akong hindi nasali sa LP dahil sa dami ng aking inasikaso ng mga nakaraang araw. Sa linggong ito natutuwa akong makalahok muli.






Ang nasa larawan ay ang aking mag-ama. Ang aking asawa ay dalawang taong hindi namin nakasama sapagkat nagtrabaho sya sa ibang bansa. Umuwi siya noong nakaraang Miyerkules. Nung siya ay umalis, isang taon pa lamang ang aking anak. Ngayon ay mag ta-tatlong taon na siya at alam kong mahirap na hindi niya nakasama ang kanyang ama. Kaya ngayon na nagkita at magkasama na silang muli, ito ay simula pa lamang upang magkakilala sila ng lubusan at magkaroon ng magandang relasyon.



Thursday, April 23, 2009

LP 54: Gusali



Maulan ang panahon kaya naman hindi ako makalabas upang kumuha ng litrato. Gayunpaman, narito ang aking lahok para sa linggong ito.




Ito ay ang isang kuha mula sa loob ng gusaling kung saan ako ay nagtatrabaho. Isa sa mga gusali sa harapan...ang Antel Global :)

Ito naman ay ilang gusali sa Ortigas, sa harapan din ng aming gusali.



Friday, April 03, 2009

LP 51: Paboritong Litrato



Una sa lahat ay binabati ko ng isang maligayang unang anibersaryo ang Litratong Pinoy. Pasensiya na at medyo nahuli ang aking lahok para sa Linggong ito.



Ito ay isa sa mga paborito kong larawan naming mag-ina. Kuha ito noong Hulyo 6, 2008 sa labas ng aming bahay. Napakaganda ng panahon ng araw ng iyon kaya niyaya kong lumabas ang aking anak upang makapag bisikleta sya habang ako naman ay nakaupo sa gilid at pinanonood siya. Maya-maya ay lumapit siya sakin at sinabing gusto niyang magpakuha ng larawan. Gustong gusto ko ang mga kulay sa larawang ito.

{ This is one of my favorite photo of me and my daughter. This was taken last July 6, 2008 outside our home. The weather was perfect that day so I took my daughter out so she can play with her bicycle while I was sitting nearby watching her play. Suddenly, she came and told me she wants to have a picture taken. I really love the colors of this picture.}





Ito naman ay kuha noong Pebrero 26, 2007. Ito ay kuha sa isang restaurant sa Mall of Asia. Ito ang huling masayang litrato naming mag anak bago umalis ang asawa ko papuntang Riyadh.

{This one was taken last February 26, 2007. This was taken in a restaurant at Mall of Asia. This was the last happy picture of us before my husband left for Riyadh.}


Thursday, March 26, 2009

LP: Sapatos



Hindi ko nagawan na kuhanan ng litrato ang dapat sana ay lahok ko ngayong linggo. Bagkus ito ang ibabahagi ko sa inyo.....







...Tama ang nakikita nyo. Magkaibang pares nga ng sapatos ang aking lahok sa linggong ito. Isang nakakatuwang pangyayari na hindi ko makakalimutan sa buong buhay ko, at aaminin ko, ngayon lang nangyari sakin ito :). Pumasok ako ng opisina na suot ay magkaibang pares ng sapatos dahil sa kamamadali ko. Mabuti na lng may isa pa akong pares ng sapatos sa opisina. kaya pagdating ko ay nagpalit ako kaagad. Mabuti na lang talaga dahil kung hindi, hindi ko matitiis ang kahihiyan. Hahaha! Natatawa ako sa sarili ko (lol!)



Thursday, March 19, 2009

LP 50: Paboritong Alahas





Hindi po ako mahilig sa alahas. At hindi rin naman ako maselan gaya ng iba na pag hindi tunay na ginto ang suot ay nagkaka-allergy na, gaya ng aking kapatid. Pero sa lahat ng aking alahas, ito ang aking pinaka paborito. Suot ko ito araw-araw, umulan man o umaraw. Pinagmamalaki ko ito dahil ito ay nagpapaalala sa akin na ako ay may asawa kahit na nasa malayo siya. :D


Thursday, March 05, 2009

LP 48: Bag


Ito ang aking unang beses na pagsali sa LP at ito ang aking lahok para sa linggong ito.



Ito ang bag na binigay sa akin ng aking kapatid dalawang taon na ang nakararaan. Hindi po ako mahilig sa mamahaling bag, kahit ano basta maganda at magagamit, okay na sakin. Nakakatuwa lang ang bag na ito dahil sa kanyang kakaibang zipper. Nakita nyo naman kung gano kalalaki ang hawakan ng zipper niya. :D Madalas akong makatanggap ng papuri sa bag na ito sa tuwing ginagamit ko sya, marahil dahil siyaý kakaiba. :)