ang sarap ng tulog ko...
bigla ako nagising dahil narinig ko may bumagsak at may umiiyak...
Ang baby ko! nahulog sa kama! dali-dali ko siyang binuhat at niyakap. Ni check kug may bukol, hinagod ang dibdib, iyak siya ng iyak. Hindi ko mapatahan, di ko alam paano siya nahulog at ang posisyon ng pagkahulog niya di ko talaga ma figure out kung pano kasi ang alam ko hinarangan ko siya eh..
Niyakap ko siya pero ayaw pa rin tumigil. Nung buksan ko ang lampshade at makakita siya ng liwanag, saka lang tumahan. Ngumiti. Naglaro. Ni-kiss si mommy niya at naglaro uli. Tapos nakatulog ulit. Buti na lang okay lang siya, kung hindi lagot ako sa daddy niya. :(
3 comments:
dibale mhay, sabi naman nila sinasalo ng mga guardian angels nila ang baby natin pag nahulog ng hindi natin nakita :)
guilty ako jan maraming beses na, hindi ka nagiisa :)
hehehe...natuwa naman ako sa comment mo kitts! :P
Post a Comment